0

Chapter 2

Ang masakit, bukod sa kaibigan lang ako, bestfriend pa!

-Mayang

MAYANG:

“Ewan ko ba kasi sa tarantado kong bespren, ayaw magpa awat sa pagka tangengot. Sinabi ko naman kasing hindi na siya mahal ng susyalerang si Joanna tuloy pa din sa paghihintay sa wala! Eh para lang siyang nag-aabang ng snow dito sa Pinas. Imposible!”

Hindi ko napansin na buong sambayanang customer ng Gustav Café eh nakatingin na pala sa akin at hinihintay ang susunod na chapter ng kwento ko tungkol kay Lloydie. Kaya pala halos hindi na makapag salita sina Jun at Joel na kanina pa lipat ng lipat ng page ng menu.

“Oorder pa ba tayo oh gusto niyo ng umibaporeyt dito?” Tanong ko sa kanila dahil medyo nahiya din ako sa arrive ko, sa tahimik na kainang binulabog ko.

“Mukhang magandang idea ‘yan Mayang!” Sagot ni Joel na halos magtago na sa menung hawak niya na sinecond emotion naman ni Jun

With poise parin akong tumayo at nagkunwaring may kausap ako sa cellphone kong susyal pero hulugan

“Oh? Si Rica? Na-ospital! Saan? Ou, papunta na kami. Ou ngayon na. Ou pupunta na!

Presto! Nakalabas kami ng Café na hindi nagmumukhang walang pera at nabigla sa mahal ng presyo ng menu.

“Galing ng acting ko nu?” Biro ko sa dalawang ungas na kasama ko. Pero mukhang hindi sila natuwa.

“Bunganga mo kasi, basta tungkol kay Lloydie kaya mong i-broadcast sa buong bansang Pilipinas! Hindi tuloy tayo nakakain ng Gustav Steak.”

Halatang badtrip si Jun pero hindi ko na lang siya pinansin. Ngumingiti at tumatawa lang naman sa tabi si Joel na para bang nanunuod ng teledrama sa amin ni Jun.

Mula ng masuspindido ang bespren kong engot kay Joanna, sina Jun at Joel ang madalas kong nakakasama, dahil sila ang may pinaka jologs na ugaling nakaka sabay sa pagka loka loka ko. Hindi ko masyadong close ang mga girls sa grupo, ewan, pero mas ayos akong masabihan ng maharot, malandi kesa naman nasa loob ang kulo.

“Pinatay mo pa bigla si Rica!” Biglang tawa ni Joel habang naglalakad kami papunta sa walang aircon niyang pick-up.

“Eh paano, insecure kasi sa ganda ni Rica.” Ginatungan pa ng mokong na si Jun.

Kung sabagay,  aminado ako. May gahiblang insecurity ako kay Rica bukod kasi sa lamang siya ng isang linggong paligo sa bathtub sa akin, bigla pa silang naging matalik na magkaibigan ni Lloydie. At ‘wag ka! Ilang lingo matapos masuspindi ang kaibigan ko, sumunod pa siya sa pag-quit!

“Bakit, nag-quit naman na siya sa grupo it means patay na siya sa samahan. Tsaka alliby lang ‘yon para may dahilan tayong lumabas ng Café ng hindi nasasabihang mga social climber na walang perang pang order! Kayo gumagawa kayo ng issue about sa amin nu? Kalalaki niyong tao, ang tsitsismoso nyo.”

“Ang dami mo sinabi.” Sagot ni Jun tsaka sila nagtawanan ni Joel. Doon ko lang narealized na medyo halatang defensive ata ako.

“So ibig mong sabihin pati si Lloydie, patay na? Kasi sinuspindi siya sa grupo?” Patuloy paring pang aalaska ni Jun habang pasakay na kami ng sasakyan.

Hindi ako nakasagot, ayaw ko kasing isiping mauunang mamatay sa akin ang bespren ko. Tsaka hindi naman siya nag quit, suspindido lang siya. Hindi ko akalaing mapipikon ako ng mga gago kaya tumakbo ako paalis. Medyo may pagka childish ang ginawa ko pero hindi ko talaga maintindihan para akong batang na-bully ng mga panget na mokong! Sa kakatakbo hindi ko namalayang napigtas ang sandalas ko na napansin ko na lang ng nakasakay na ako ng jeepney. Nagmukha tuloy action drama ang role ko sa loob ng jeep, akala ata ng mga nakasakay ko eh pinagtatangkaan akong gahasain sa katirikan ng araw. Syempre todo emote ako at paawa epek para mas magmukhang makatotohanan.

“Miss ok ka lang?” Tanong nung cute na lalaking katabi ko.

Hindi ako agad sumagot para may konting suspense. Pero bago pa ako magsabing ayos lang ako inabutan ako ng barya ng lalaking nagtanong at sumunod naman ang mga kasakay namin. Putcha! Pinagkamalan ba akong pulubi? The fuck.

Kinabukasan sa rehearsal galit galitan ang acting ko. Hindi ko pinapansin ang dalawa, kahit halos ka-eksena ko si Jun dahil siya ang gumaganap sa role ng anak ni Sisa, siya si Basilio ang pakingshit kong anak sa Noli Me Tangere.

Todo sorry ang dalawa tuwing break na hindi ko naman pinapansin.

“Mayang! Sorry na.” Sabi ni Joel.

“Mommy Sisa, patawarin mo na anak mo.” Sabi naman si Jun.

Flip lang ng hair at snob ang sagot ko sa kanila. Manigas kayo dyan sabi ko sa isip ko. Todo simangot parin ako sakanila at pahabol ang drama. Pakipot makipag world peace, feeling ko nga pumanget ako ng 22% sa kakasimangot, buti na lang dumating ang bespren ko. Todo ngiti n asana, kaso nakita kong may bitbitbit nanamang bag ng miraculous juice niya. Nakalimutan kong nag-order nga pala ako, paniguradong tuwang-tuwa nanaman ang pagbibigyan ko ng mga ‘to. Masyado naman kasing matabang, kelangan ko pang dagdagan ng asukal!

“Lloydie!! Buti dumating ka na. Naglunch ka na ba? Tara kain tayo.” Agad kong bati sa kanya.

“Tamang tama hindi pa nga ako kumakain dami ko kasi inasikaso, miss ko na ang Gustav Steak, tara?” Alok sa akin ni Lloydie. Habang nakikita kong palapit sa amin ang dalawang ungas na sina Jun at Joel.

“Sige tara! Kain tayo ng steak pero huwag muna sa Gustav!” Hinablot ko kaagad palabas ng rehearsal hall si Lloydie tsaka kami agad umalis papuntang, hindi ko alam.

“Saan tayo kakain? Tsaka bakit nagmamadali ka? Tapos na ba ang practice niyo? Musta na ang play? Eto nga pala mga order mo.” Tanong ni Lloydie, habang inaabot ang mga juice.

“Sa pagkakaalam ko, role ko ang taga tanong at ikaw ang taga sagot. Kailan pa nagkabaliktad ang mga role natin? Salamat sa super effective mong juice, tabi mo muna kaya dyan?” Tsaka kami nagtawanan. “Good mood si Direct kaya agad kami pinagpahinga, dapat kinausap mo pala muna siya baka sakaling ibalik ka na niya sa casting.”

“Hayaan mo muna, nag eenjoy din naman ako sa pagiging freeman. Tsaka sa pagmamadali mo kanina, mukhang imposibleng makausap ko siya. Gutom na talaga ako. Saan mo gusto?”

“Doon kaya sa karindirya malapit kung saan tayo unang nagkakilala?”

“Saan ‘yon?” Tanong sa akin ni Lloydie.

“Naalala mo ‘yong Flaurante’t Laura? ‘yong show namin sa may Heroes Hall? May karindirya doon, nakita kaya kita kumakain doon bago magsimula ang show!”

“Wow bespren ahh, stalker pala kita dati ‘di mo man lang ako sinabihan. Sige karindirya sa may tabi ng Heroes Hall, here we are!”

Kung alam lang ng kaibigan ko na tama siya, tama siyang stalker niya ako mula pa noong una dahil katulad sa kwento sa mga palabas secretly inlove ang bidang babae sa kaibigan nitong hindi naman siya ang mahal. Typical pero nangyayare. Hindi nga lang ako sure kung ako nga ang bidang babae sa kwento ni Lloydie, pero sa chapter ni Mayang. Malamang! Ako ang bida.

“Pucha trapik!” Reklamo ko kay Lloydie. Inaalala ko lang na gutom na siya at alam kong hindi maganda sakanya ang nalilipasan ng gutom.

“Easy. Tignan mo, trapik na nga nag-oovertaken pa sila.”

Sagot niya habang relax na relax sa pagkaka-ipit sa trapik, habang walang prenong satsat ng satsat ang radio niya. Lalo ako nainis at nagutom dahil pagkain ang pinag uusapan sa estasyon ng DJ.

“Ayun Lloydie! Overtake ka na.”

Nagmamadali kong turo sa kaibigan kong pinalampas nanaman ang pagkakataon dahil ayaw daw niyang nakikipag unahan sa mga ganitong sitwasyon.

“Aabante din tayo, trapik na nga makikipag gitgitan pa tayo? Talagang walang mangyayare.”

Paliwanag pa niya sa akin na nagqualify sa kanya bilang ulirang mamayan ng bansang hindi nauubusan ng trapik sa daan.

“Eh talagang walang mangyayare kung lahat pauunahan mo, kung lahat ng pagkakataon sasayangin mo sa paghihintay. Sa mind set mong ‘yan, talagang hindi ka uusad!”

Nakainom nanaman ata ako ng floorwax at bigla nanamang nagsalitang mag-isa ang bibig ko! At syet, hindi ko na mababawi ang mga pasaring ko kay Lloydie, kaya pagkatapos noon, kunware eh kinalikot ko na lang ang susyalin kong cellphone.

Sa awa naman ng Panginoon, nakarating kami sa karindiryang tinutukoy ko bago pa mapudpod ang daliri ko kakapindot sa screen ng cellphone kong walang load. Tahimik kaming bumaba ni Lloydie sa sasakyan niya tsaka siya diretsong pumunta sa may counter. Tinanong niya ako kung anong gusto kong ulam pero ng mga oras na iyon wala na akong ganang kumain.

“Pakbet, porkchop tsaka isang pirasong embotido humingi ka na lang din ng sabaw ng sinigang. Tsaka pala dalawang pirasong saging, at max candy ‘yong pula.”

Sagot ko sa kanya habang naghahanap ako ng mauupuan. Medyo wala ng customer kasi lagpas oras na ng tanghalian dahil nga sa letseng trapik. Tumango lang si Lloydie tsaka ngumiti ng kaonti.

“Wala na akong gana kumain dahil nabadtrip tayo sa trapik”

Sabi ko sa kanya habang inilalapag niya ang mga inorder namin sa mesa. Ngumiti lang siya ‘yung cute niyang ngiti, tsaka na rin siya umupo.

“Wala ka pang gana sa lagay na ‘yan ah?” Sabi niya sa akin habang todo higop ako sa medyo malamig ng sabaw ng sinigang. Doon ko lang din narealize na gutom na gutom na rin pala ako kaya kahit sinasabi ng utak ko na wala na ako dapat gana eh hindi ko maitago ang sigaw ng sikmura ko.

“Loko wala pa akong kain mula kanina! Kaya nga minamadali kita kanina eh. Sorry na bespren ah? Wala namang meaning mga sinabi ko kanina, hindi ko naman sinasabing about kay  Joanna ‘yon or anything about sa hindi mo pagmove on sa nasira niyong relasyong mukhang wala na talagang chance mabuo. Oh kaldereta lang kakainin mo?”

“Ou, paborito ko ‘to diba?” Maikli niyang sagot tsaka ko nanaman naalalang nadulas nanaman ako sa mga pinagsasabi ko. Akala ko talaga eh napikon na ang bespren ko kasi nanahimik siya bigla.

“Ooops! Sorry ulit. Syet ewan ko ba sa bibig ko may sarili atang buhay.” Todo paumanhin ako habang pinapalu-palo ko ang taklesa kong bunganga.

“Namiss kita Mayang!!” Biglang sigaw ni Lloydie tsaka siya tumawa ng malakas. Masaya ako na miss ako ng kaibigan ko, at mas masaya ako dahil mukhang unti-unti na niyang nakakalimutan si Joanna, ang hadlang sa pag-iibigan namin ni Lloydie!

Joanna Elise Villar, ‘yan ang buong pangalan niya. Maganda, mayaman, may pinag-aralan pero kandidata sa pagiging voluptuous! [Boo: (Puot ng lips) Lup:(parang sumisipsip ng softdrinks) tsuwohos!: (Labas dila at bukas bibig!) ganyan dapat ipronounce] Ang meaning ng BooLupTsuwohos!! Na babae e ‘yong mga magagandang piglet at puro taba ang katawan at mukha lang ang puhunan. Hindi naman ako masyadong bitter sa kanya, talaga lang kasing kasuklam suklam ang pag-iinarte ni Joanna noon pa. At hindi na ako nagtaka ng iwanan niya si Lloydie ng basta basta at walang matibay na dahilan, paano anak mayaman. Kapag pinagsawaan na ang laruan itatapon na lang. Sana dumating din ‘yung araw na pagsawaan ko si Lloydie, I mean hindi ko siya pagsasawaan pero hindi ko maipapangakong hindi ko siya lalaruan. Yuck! Ang bastos ng utak ko. Erase. Erase. Erase!

Nauna ako ng mga dalawang buwan sa teatro kay Joanna pero kung maka asta akala mo talagang magaling at bida bidahan talaga. If I know, naisama lang siya sa grupo dahil sa family friend ng pamilya niya ang producer noon ng play namin na Hair Spray kung saan agad niyang nakuha ang role ni Tracy Turnblad, bidang babae, hindi dahil kaya niyang i-arte kung hindi dahil bagay silang mag-ina ng gumanap na nanay ng bida. Pareho silang lumba-lumba, mataba!

Pero kung sa bagay, sa halos apat na taong pagsasama namin masasabi kong kahit papano eh naging mag kaibigan din kami ni Joanna, madalas ko kasi siyang purihin dahil talaga namang magaganda ang mga sinusuot niyang damit at lahat ng gamit, branded! ‘yon nga lang ata ang nakita kong maganda sa kanya, bukod sa mga ‘yon, wala na. Ang pait ko ata masyado.

Siguro dahil nga hindi ako gaanong close sa mga babaeng casts kaya hindi ko din nabigyan ng pagkakataon si Joanna para ipakita ang itinatago niyang kabutihan, kung meron man.

Natatandaan ko pa nga ang itsura ni Lloydie noon, halatang nabighani sa ganda ng mukha ni Laura a.k.a Joanna at halatang nalinlang sa girdle na suot nito at sa telang tumakip sa pagka chabilita ng kontrabida sa buhay ko noon pa.

May kutob nga akong kay Laura inlababo ‘tong kaibigan ko eh, hindi sa demonyitang si Joh.

Laging kami ang pinagpipilian sa lead role, pero laging sa akin napupunta ang kontrabida, dahil mas maamo daw ang mukha niya kesa sa akin, kung hindi naman kontrabida, ako ang dakilang kaibigan niya dahil ayos daw ang kwelang mga side kick ng magagandang bida. Whooh! Direct! Wala sa mukha ‘yan nasa ugali. Pucha ang sama ko, pero mas masama siya!

Kung tutuusin mas nauna kong minahal si lloydie kesa sa kanya, if minahal nga talaga niya ang bespren ko. Sa paningin ko kasi, nagustuhan lang niya si Lloydie dahil nakitaan niya ito ng potensyal ng minsan makasungkit ng major role si Lloydie at ginawa niya itong kasangkapan para lagi niyang makuha ang kaparehang babae ng bidang lalaki. To have an undying chemistry sa baguhang bidang si Lloydie, jinowa niya ‘to.

Hindi ko din akalaing may natatagong acting proest itong si Lloydie kaya syempre lahat ng girls instant fan niya ‘yong iba pa nga nagging admirer at may iilan pang baklang naging stalker nito. Odi mas lalong nagkaroon ng dahilan si Joanna para patulan ang lalaking hindi naman talaga niya mahal at halatang ginamit lang niya.

Pero wala naman akong magagawa eh, hindi ko naman pweding angkinin si Lloydie dahil lang sa ako ang unang nagmahal sa kanya. Hindi ko din pweding gayahin si Kim Chu at sabihin kong…

“Sana minsan makita mo rin ako. Kasi ako, ang nakikita ko, ikaw lang. Bogs! Ay Lloydie pala, tayo na lang. Akin ka na lang!”

o kaya si Bea Alonzo para sabihing

“kasi nasasaktan ako kahit alam kong hindi dapat. Sana kaya ko, pero hindi eh, ang sama sama kong tao, pero ang ganda ko syet!  Kasi ang totoo hanggang ngayon umaasa parin ako, abangers padin ang role ko! Na sasabihin mo sakin na ako parin, ako nalang, ako nalang uleeet, putang ina Lloydie ako na laaaaaang!!!”

Kaso wala naman kaming uulitin! Dahil kaibigan lang ako. Magkaibigan lang kami!

“Magkaibigan lang kami.!”

“Huh? Oh bakit masyado kang defensive?” Sabi ni Lloydie. Hindi ko namalayang nag day dream akong mag isa sa karindirya.

“Ayos ka lang Mayang? Akala ko ba gutom ka, eh halos hindi mo man ginagalaw pagkain mo eh. Tapos napaka defensive mo pa ng itanong ko kung nililigawan ka na ba ni Jun.” Sabay subo ni lloydie sa natitirang pagkain niya sa plato.

“Ahh bakit mo naman nasabi? Magkaibigan nga lang talaga kami. Haha! Napaka showbiz ko nu? May naalala lang ako. Ang sarap kaya ng pagkain! Libre eh.” Tsaka ko binilisan ang subo at pagkain. Muhkang nabigla si Lloydie, baka nawiwirduhan sa kinikilos ko.

“Libre ko?” Halos ibulong niyang tanong sa akin.

“Ou, diba ililibre mo ako?” Natigilan ako sa pagkain sa nakakatawa niyang itsura. Para bang handa na siyang maghugas ng pinggan ng mga oras na iyon.

“Mayang, wala akong extrang pera. ‘yong ibinayad mo ng juice lang ang hawak ko. Kulang pa ‘to sa utang ko sa kumpanya.”

Tsaka siya ngumiti, nagpapacute. Kaya pala isang ulam lang ang inorder ng ungas! Nagtawanan kami at talagang humalakhak ako dahil kahit ako nanaman ang taya sa kinain namin, masaya akong kasama ko nanaman ang pinakamamahal kong kaibigan. Take note Mayang, kaibigan!

Pagkatapos naming kumain, inihatid na ako ni Lloydie sa bahay. Talagang gentleman siya at never niya ako hindi inihatid sa harapan ng bahay ko. Hindi daw kami makakapamasyal dahil madami pa siya ihahatid na juice. At ayoko namang makagambala sa monkey business ng future husband ko. Yii kiligs!

Pagpasok ko ng kwarto, nakita kong tambak ng messages ang susyalin kong cellphone lahat galing kay Jun. Tinatanong kung galit parin ba ako. Natawa lang naman ako at naalala ang biglang tanong sa akin ni Lloydie kanina sa karindirya. Bakit niya nasabi ‘yon? Manhid lang ba ako para hindi mapansing may gusto sa akin si Basilio? Este si Jun?

Pagdating ko sa practice kinabukasan may mga naghihintay na bulaklak para sa akin. Bulaklak ng kalabasang ginisa at sinahugan ng tinapa.

“Wow! Paborito ko ‘to ah! Sino ang nagluto?” Tanong ko sabay tikim sa mainit init na ulam.

“Ako” Sabi ni Jun. Ewan ko ba, pero ng mga oras na iyon iba ang dating ng loko-lokong lalaking iyon sa akin.

“Peace offering.” Tuloy pa niya. Tsaka nagsisigaw ng “kiss!” ang mga ungas naming mga kasama na pinangungunahan ni Joel. Siyempre pinagbigyan ko naman sila! Nagdampi ang mga labi naming uhaw sa laway at lasa pang sinabawang bulaklak  ng kalabasa. Napaka sarap humalik ni Jun para siyang janitor fish at ako naming ang aquarium na sinisipsipan ng dumi. Ou ang dumi, syet! Ang dumi dumi talaga ng utak ko! Bakit ko naimagine ang mga iyon? Yuck ulit!

“Yuck!? Hindi mo nagustuhan ang peace offering ko?” Halatang disappointed si Jun. At halatang bigo din ang mga tsismoso naming mga kasamahan sa pag-aakalang matutuwa ako sa ginawa ni Jun. Pero natuwa ako! Napa yuck lang ako dahil rated PG ang imagination ko.. Nagtampo ba si Jun sa pagwawalk-out niya? Baka hindi na ako kausapin nun. Hala! O bakit concern ako masyado? ‘di ba ako ang sinusuyo?

Oh em gee! Asawa ni Marie! Araw gabi! Walang..

Walang hiya ako!!

Nagbabangka ako sa dalawang ilog!! Hindi naman bangkera si Sisa ahh?

__________

Sabi ni Kaloy: Abangan ang  Chapter 3! (Pero mukhang matatagalan ng konte, sinisipon ako ngayon eh.) Hmm palagay ko si Rica naman ang magkwekwento, sa susunod.

 

 

2

Chapter 1

Tanga nga siguro ako, pero sino nga ba ang matalino

pagdating sa pagmamal?.

-Lloydie

LLOYDIE:

Ayaw ko! Ayaw. Ayaw. Ayaaaw! Paulit-ulit kong sambit kay Mayang. Pilit niya kasi akong kinukumbinsi na magpa-facial dahil baka daw tubuan na ng kamote ang mukha ko. Sabi ko naman sa kanya, kahit tumubo pa lahat ng gulay sa bahay kubo sa mukha ko hindi ako sasama sa kanya.

“Sir tiis lang po” sabi ng babaeng humahawak-hawak sa mukha ko. Ano pa nga bang magagawa ko kundi magtiis!

Dinig ko sa may kaliwa ko si Mayang, parang kinakatay.

“Putcha ang sakit magpaganda, fuck!” sigaw ng bestfriend kong baliw. Ewan ko ba kung bakit niya ako napilit, siguro dahil sinasabi narin ng salamin na kailangan ko na ngang asikasuhin ang sarili ko at kalimutan na si Joanna, ex ko.

“Lloydie, ok ka lang dyan? Bakit hindi ka kumikibo.” Pasigaw na tanong ni Mayang habang kinukutkot ng babae ang ilong ko.

“Ou, ayos lang ako! Miss, ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kutkutera ng mukha ko.

“Chell po sir.” malambing niyang sagot.

“Ahh. Atlis kung mamaya makita kong wala na akong ilong kilala ko sino ang idedemanda ko.” tawanan silang lahat pati si Mayang na todo aray parin.

Mahapdi talaga ang ginawa ni Chell pero ok naman kasi mabait siya. Sa halip na magbabad ako sa sakit, dinaan ko na lang sa kwento at daldal. Mukhang natuwa naman si Chell at nag-enjoy sa kakulitan ko.

I didn’t expect na maganda si Chell. Akala ko typical na trabahador ang kausap ko kanina.

“Oh Chell.. Salamat” Halos utal-utal kong sabi sa kanya habang inaabot ko ang kamay ko for shakehands. Nangiti siya at tinanggap ang kamay ko.

“Welcome sir, medyo duguan ka nga lang.” Patawa pa nito na lalong nagpalitaw sa kakyutan niya.

“Pare for the first time luminaw din mga mata mo! Kahit pala hindi ka na magsalamin eh!” Bulahaw ni Rod paglabas ng kotse na maga din ang mukha gaya nina Ryan at Jun na kanina pa tapik ng tapik sa balikat ko.

“Mga ulul talaga kayo. Tara na nga naghihintay na mga girls sa loob.” Sabi ko sa kanila sabay lakad papasok ng rehearsal studio.

Scene 3 ang kinukuhanan. Late si Rod sa eksena, galit si Direct.

“Bakit kasi sinabi mo pang maganda ung nagfacial sayo?” ‘yan tuloy lahat ng boys naging facial adik! Pati sina Joel at Vyron nagpaplano nadin bisitahin ang nag facial sayo! Magbihis ka na nga, bugbugan scene ang kasunod. Don’t tell me eeksena ka na naka corporate attire?” Parang nanay na satsat ni Mayang sa akin.

“Opo! Kagagaling ko lang sa meeting, tapos hinintay ko pa magpafacial ang mga chill chill boys.” paliwanag ko sa kanya habang nagbibihis ako ng jogging pants at t-shirt na itim. Para na kami magkapatid kaya hindi na ako nahihiyang maghubad sa harapan niya.

“Meeting? Meeting tungkol sa pagbebenta ng slimming juice at miraculous vitamins? Naku Lloydie kailan mo ba titigilan ‘yan? Pyramiding lang ‘yan!”

“Mayang, kung aasahan ko ang perang pinasasahod sa atin ng teatro mamatay ako within three seconds!”

“Talagang mamatay ka within three seconds kung hindi ka pa lalabas dahil tinatawag ka na ni Direct. I ba-block na ‘yong scene mo. Kung kasing mas maaga ka pumunta dito, at hindi mo na tsinismis na nagandahan ka dun kay Chey.”

“Chell!” Sabat ko.

“Chey, Chelly, Sabrina o kung sino man ‘yon. Edi sana hindi ka nalate pati sina Rod hindi nabubungangaan ngayon. Blah. Blah. Blah. Blah” Kung hindi pa sumigaw ng Action si Direct eh hindi siguro hihinto ang armalite na bunganga ni Mayang. Hindi ko na nga naintindihan ang ilan sa mga pinagsasabi niya. Hanggang sa pag-uwi at pag hatid ko sa kanya tuloy parin ang monologue ng kaibigan kong Sisa.

“Nintindihan mo ba Lloydie? Bakit kasi single ka padin!” Nabigla ako sa huli niyang tanong. Hindi na kasi ako nakikinig sa kanya dahil nagda-drive ako at talagang mabilis ang pagkakadeliver niya ng mga litanya niya. Kaya naisagot ko na lang eh “Gets, ou gets ko.” sabay ngiting pilit.

“Ayan ka nanaman sa gets mo! Lagi mo na lang gets. If I know you’re not paying attention nanaman sa mga sermon ko sayo nako Lloydie tatanda akong dalaga sayo!” Tuloy padin siya sa pagsasalita kahit palabas na ng kotse.

“Mayang wala talagang nanliligaw sayo.” Patawa kong sinabi para mag-light ang usapan. Lalo atang uminit ang ulo ng marinig niya ang katotohanan.

“Ay nako Lloydie! Madami kaya akong suitors at stalkers! Hindi ko lang pinapansin kasi you need me more than they need my body! May mga suicidal tendency ka kaya after break-up niyo ni Joanna remember?!” napansin ni Mayang na nag-iba ang timpla ng mukha ko kaya napa lunok siya ng laway. Sabay biglang beso sa akin tsaka niya ako niyakap.

“Kaya mo ‘yan. Maybe two years is still not enough. Salamat sa paghatid ah? I love you mwah tsup tsup! Smile!” Pinipilit niyang ibalik ang mood pero hindi ko din maintindihan parang nalungkot din ako bigla. Dalawang taon na nga rin pala.

Nag-drive ako pauwi listening to old classic songs pero pinatay ko din. Hindi ko mapagtyagaang pakinggan ang sentimyento ni Bryan White sa kanyang God Gave Me You! Gago niya! Kung talagang Dyos ang nagpapartner sa mga magjowa bakit binigay niya sa akin ‘yong taong mang-iiwan din pala sa akin sa ere!

Hindi ko namalayang bumili nanaman ako ng tomato ketchup at tinungga ko nanaman ito sa loob ng kotse habang umiiyak.

Weird pero sa tuwing stress ako imbis  alak ang linalaklak ko Del Monte Ketchup ang kasangga ko. Alam ko kasing hindi ako patutulugin nito dahil siguradong pupuntiryahin nito ang Acid Reflux ko. Heartburn nanaman ang katapat nito na unti-unti ko nang nararamdaman. Humihilab at kumikirot. Parang bata akong nagkukumahol sa loob ng sasakyan, namimilipit sa sakit.

Tumutulo ang mga luha habang nakangiti ang mga labi dahil alam kong ang sakit na nararamdaman ko ang magpapatulog sa akin, magpapakalimot sa mas malalim na sakit na aking nararamdaman.

“Babe?” Malambing na katok sa kotse ko ng isang babaeng malabo ang imahe sa aking mga namumugto pang mga mata.

“Babe! Buksan mo ang pinto.” Medyo may urgency at takot na ang boses niya. Bubuksan ko sana ang pinto ng maramdaman ko ang biglang sakit ng tiyan ko. Syet! Heartburn parin. Napa aray ako sa sakit.

“Babe! What’s happening? Open the door!” Sumisigaw na ang babae, ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya. Pinilit kong maabot ang pinto at pagkabukas nito agad na niyakap ako ng babae. Nanumbalik ang lahat sa aking alaala. Kilala ko ang amoy niya, hindi ako nagkakamali sa hinala ko kanina pa. Memoryado ko ang boses niya, at hindi ako maaaring magkamali sa pakiramdam ng yakap na ito.

“Joana?” Nanghihina kong bigkas.

“Oh bakit? Ano ba babe? Bakit kasi pinapapak mo ang ketchup! ‘yan tuloy. Kainis ka naman eh. Tara na nga sa loob, kaya mo bang maglakad? Rica! Pakitawag nga sina Rod inatake nanaman ng heartburn si Lloydie eh.”

Inalalayan ako nina Rod at ni Joanna papasok sa bahay namin. Ganun parin ang kulay nito, ivory white na may accent ng itim. Umakyat kami sa spiral na hagdan kung saan naroon ang karto namin ni Joh. Iba ito sa inaasahan ko. Magulo ang kama, sabog ang mga gamit. Pundido din ang lampshade na regalo samin ni tatang para daw sa kasal namin ni Joh.

“Tol ano ba kasing nangyare?” Tanong ni Vince na nakahawak sa may kanan kong braso na nakasakbit sa balikat niya.

Binuksan ni Mayang ang bintana. Unti-unting lumiwanag ang lahat. Unti-unting naglaho si Joh kasabay ng dilim na bumabalot sa kwarto namin, sa kwarto ko.

Inihiga nila ako sa kama ko, napansin nilang umiiyak ako. Sumisinghot habang hawak-hawak ang tiyan kong kanina pa humihilab.

“Oh anong ginawa niyo kay Lloydie bakit umiiyak! Mga gago talaga kayo.” Bulyaw ni Mayang na kakatapos lang buksan ang tatlong kurtina sa kwarto.

“Wala kaming ginawa dyan ah!” Paliwanag naman agad ng mga chill chill boys.

Pinaghahampas ni Mayang sina Rod habang parang anime naman na nag-iilag ang mga ito. Napangiti ako dahil sa itsura nila, parang bata.

“Oh tumatawa naman ngayon si Lloydie!” Sigaw ni Vince sabay ng biglang turo sa akin.

“Ay baliw na ata?” gatong agad ni Ryan.

“Hala ka Mayang, may papalit na sa role mo sa barkadahan!” Tawanan nina Rod.

Linapitan ako ni Mayang sabay hawi sa buhok ko.

“Musta bespren? Okay ka na? Gago ka kasi eh. Ang ketchup sinasawsawan hindi linalagok! Hintayin na lang natin si Rica pinabilhan ko ng gamot at skyflakes para mawala na ‘yan.” sabay hawak sa kamay kong nasa may humihilab ko paring tiyan.

Nginitian ako ni Mayang. Ramdam ko ang simpatsya sa kanyang mukha at sa kanyang haplos sa aking kamay. Alam kong alam niya kahit hindi ko sabihin.

“Guys! Ano buhay pa ba? Sorry natagalan ako may pogi kasi sa may kanto kinuha ko muna ang number.” Malakas talaga ang presence ni Rica. Pang bida talaga ang dating at ganda ‘yon nga lang barumbada at jologs.

“Gagu ka talaga! Eto fifty fifty, agaw buhay kaya dalhin muna dito ang gamot at pakainin muna ang bata.” Pabiro din namang sagot ni Mayang.

“Bakit ako magpapakain? Hindi ako ulam!”

“Hindi ka nga ulam pero libre ka ngayon! May rehearsal kami ngayon ikaw lang ang pwedi maiwan dito para mag-alaga sa best actor natin! Oh paano Lloydie si Rica na muna bahala sayo ah, ako ng bahalang gumawa ng palusot kay direk kung bakit hindi ka makakarating sa rehearsal. Pagaling ka bespren ah? Kaya yan!”

Wala ng nagawa si Rica kundi ang tumango, iba kasi talaga kapag si Mayang ang nag utos. May power at conviction.

Umalis na nga sina Mayang kasama sina Rod, Ryan at Vince.

“Lloydie! Eto daw ‘yong susi mo. Kinuha ni Mayang kanina sa kotse.” Sabi ni Rica habang papaakyat sa hagdaanan.

“Pasensya ka na Rica, naabala ka pa. Ok naman na ako, kung may gagawin ka pwedi mo na akong iwanan.”

“Gagu!” Mahinang sinuntok ni Rica ang tyan ko. ‘yan ba ang ok? Tsaka wala din naman akong gagawin kaya for now ako muna ang Joanna mo este girl friend mo. Ayos ba ‘yon?” May halong kapilyahang kinindatan ako ni Rica na madalas naman niyang ginagawa sa aming mga kaibigan niya.

“Hmm o sige ba! Matatanggihan ba kita!” Tawanan kaming dalawa.

Hindi kami gaanong close ni Rica. Pero it’s not too late to know na napaka caring at galing pala niyang magluto. That day pinagluto niya ako ng champorado at nung nakakatayo na ako eh niyaya niya akong ligpitin ang kwarto ko. Noong una parang ayaw ko pang pumayag pero hindi na niya hinintay ang sagot ko agad na siyang humawak ng basahan at walis.

“Ok na ako.” Sabi ko kay Rica habang dahan-dahang bumabangon sa pagkakahiga. Tinupi ko ang kumot at inayos ko ang kama na ginulo’t hinila din naman ni Rica.

“Lloydie palabhan na natin ‘to ah?” Habang nilalagay niya sa basket ang mattress at kumot namin ni Joh.

“Huwag! Huwag muna. Ayos pa naman eh.”

“Madumi na ‘to oh! Tsaka mabaho na.”

“Rica I think this general cleaning is not a good idea. Thanks so much but I guess you have to go.”

“Huh bakit?!” pagtataka ni Rica sa biglang shift ng mood ko.

Wala akong masagot, dahil hindi ko din talaga alam kung bakit gusto kong umalis na ng bahay si Rica. Ang alam ko lang ng mga panahon na iyon eh ayaw kong himasukin ng kahit sino ang pribadong buhay ko, buhay namin ni Joh.

Hindi ako sineryoso ni Rica kaya’t pinagpatuloy niya ang pagliligpit. Nagwalis, nagpunas nagtabi. Nakaupo lang ako sa kama na ngayo’y nakahubad. Pati ang lampshade na sira sa tabi nito ay ibinababa din ni Rica at sinabing kailangan daw ipagawa o itapon at bumili na lang ng bago.

Para akong inaatake ng heartburn sa mga nakikita ko. Ginugulo ng babaeng ito ang buhay ko, ang alaala ni Joh!

“Sino ‘to?” Tanong ni Rica, hawak ang isa sa mga naiwang picture ni Joana sa album ko.

“Bitawan mo ‘yan!!” Sigaw ko kay Rica. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

“Tama na! Itigil muna ‘to!! Ok na ako, hindi na masakit ang tiyan ko! Pwedi ka ng umalis. Putang ina umalis ka na, please.” Tuloy-tuloy na nagsi-agusan ang luha sa aking mga mata. Kita ko ang bigla sa mata ni Rica.

“Please. Iwanan mo na ako. Iwanan mo na kami ni Joh.” Nagmamakaawa kong sinabi sa papalapit na si Rica. Pero niyakap niya lang ako at hinayaang umiyak.

Ilang minuto rin kami sa ganong posisyon. Walang nagsasalita, walang umiimik. Tanging ang mga hagulgol at ang pagtahan sa akin ni Rica ang nagsilbi naming mga pag-uusap. Nang tumahan at natuyuan na ako ng luha sinabi ni Ricang ipagluluto na lamang niya ako ng masarap na hapunan at ng sumaya naman daw ako. Hindi ko na siya napigilan sa balak niya dahil agaran itong tumungo sa kusina ko at nagtingin ng mailuluto.

“Adobo! Kumakain ka naman siguro ng Adobo.” Sigaw niya mula sa kusina. Umoo ako tsaka ko na rin siya sinamahan pagkatapos kong mag punas ng sipon at luha. Nadatnan kong naghihiwa ng sibuyas at bawang si Rica habang pinakukuluan ang manok na binili ko pa kahapon para sana iprito ko na hindi ko rin nagawa. Buti na lang, kung hindi e walang siyang mailuluto.

“Anong iniisip mo, Lloydie?” Tanong sa akin ni Rica habang abala paring naghihiwa. Pero hindi pa man ako nakakasagot nagsalita na siya agad. “Si Joanna parin?”.

Nabigla ako kung bakit kilala niya si Joh, sa pagkakaalam ko kasi e wala pa si Rica sa grupo ng kasama pa si Joh sa teatro. Bago lang si Rica, nangailangan lang ng papalit kay Maria Clara dahil nabuntis ang unang gumaganap nito. “Saan mo nakilala si Joh?” gulat kong tanong.

Ngumiti lang si Rica tsaka ngumuso sa may cabinet ng mga baso. Nakita ko ang mga tasa namin ni Joh na may parehong pangalan namin.

“Hindi siya nagluluto nu? I mean si Joanna, siya ‘yong dahilan kung bakit mo ako pinapaalis kanina tsaka kung bakit ka nagbreak down diba?”

“Manghuhula ka ba dati?” Sagot ko sa mga tanong niya dahil tama lahat ang mga ito. Natawa siya tsaka siya nagsimulang magluto. “Naranasan ko na kasi ‘yan.” Sabi niya habang inaasikaso ang stove. “Tsaka halata naman kay Joanna na hindi siya nagluluto tignan mo ang apron, LLOYDIE and nakaburda. Tsaka panlalaki din ang style ng kusina halatang hindi siya nagbigay ng idea sa interior nito kumapara sa kwarto niyo na medyo may touch ng babae.” Napakamot ako ng ulo sa galing ng obserbasyon ni Rica. Sinabi din niyang dati na siyang pumasok sa ganong relasyon.

“Live-in, masarap talaga ‘yan ‘pag una. Kapag una lang.” Sinasabi niya ito habang nilalagay ang mga plato sa lamesa. Sinubukan ko siyang tulungan pero sa gabi daw na iyon ako muna ang bisita sa sarili kong bahay. Panatag na nagkwento sa akin si Rica, napag alaman kong iniwanan din siya ng tatlong taong niyang boyfriend.

“Dahil hindi ako wife material! Isipin mo ‘yon halos tatlong taong kaming tumira sa isang bubong tapos hindi daw ako wife material? Gago niya!” Kwento ni Rica habang kumakain kami.

“Gago nga, maiba ako ang sarap ng Adobo mo ah. Walang masyadong sabaw pero nuot ang sarap!” Sabi ko naman sa kanya habang sarap na sarap ako sa pagkain at kwentuhan namin. “Ano nga pala ang ginawa mo? Nagmakaawa ka din na ‘wag niya iwanan?”

Halos ibuga sa akin ni Rica ang laman ng bibig niya sa pagmamadali niyang sumagot. “Swerte niya! Never kong ginawa ‘yon – ang magmakaawa! Hinayaan ko siya maghanap ng wife material niya! Habang ako.” Natigilan siya at nakita kong kumislap ang mga nangingilid na luha sa kanyang mga magandang mata. “Habang ako, nagpakadalubhasa sa pag-aaral kung paano ba maging wife material. Pero nung alam ko na kung paano maglaba ng walang washing machine, kung paano maglinis gamit ang basa’t tuyong basahan pati ang pagwawalis ng loob at labas ng bahay pati ‘yang recipe ng Adobong kinakain mo at lahat ng lutong pweding matutunan sa cookbook na binili ko. Ayun, nakahanap na siya ng wife material at hindi ako ‘yon. Nahuli ako, dahil nung handa na ako, katulong na ng magiging anak niya ang hinahanap niya.” Humalakhak si Rica pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon. Pero umiiyak siya.

“Tears of joy syet!” Palusot niya habang pinupunasan ang mga ito at tuloy parin sa pagtawa kahit alam niyang alam kong masakit parin sa kanya ang mga sinabi niya. “Wala ka bang balak magkwento? Halos naikwento ko na buhay ko sayo ah. Kulang na lang pati sex life ko idetalye ko.” Bigla niyang tanong sa akin.

“Ano ikukwento ko?”

“Ano pa ba exciting sa buhay mo bukod kay Joanna?” Siryoso niyang sagot. Natigilan ako at walang naisagot. Niligpit naming ang pinagkainan namin at binuksan ko ang isang wine na bigay sa akin tsaka kami nagkwentuhan sa may labas ng bahay ko.

“Cashew wine mula Palawan? Kailan ka pumunta doon?” Tanong ni Rica habang hawak ang bote ng alak.

“Ah hindi ako galing doon, si Ate Mitch ang nagbigay sa akin niyan. Isa sa mga producer natin.”

“Hindi ko pa kilala. Bago pa lang kasi ako, pero mukhang hindi rin ako aabutin maging luma.” Sabay tawa niyang sagot. Itatanong ko sana kung bakit niya nasabi ‘yon pero naunahan niya ako magsalita. “Oh magkwento ka na tungkol kay Joh.” Wala na akong nagawa kundi magkwento, tsaka matagal narin ng may nakausap ako tungkol sa babaeng dahilan ng lahat.

Nakilala ko si Joanna ng minsan manuod ako ng theater play. Sayang naman kasi ang ticket na napanalunan ko kung hindi ko pakikinabangan. Wala naman din may gusto bumili. Musical Play ng Florante’t Laura ang palabas, siya si Laura. Noong hindi pa siya lumabas inip na inip ako, hindi ko maapreciate ang palabas pero nang makita ko na siya hindi na naalis ang tingin ko sa kanya. Para bang ako lang ang manonood at siya lang ang laman ng entablado. Natapos ang palabas at nakita ko na lamang ang sarili kong nag-aabang sa labas ng back stage. Hindi ko alam bakit ako dinala ng mga paa ko roon pero ng makita ko si Laura alam ko na kung sino ang pinunta ko.

“Ikaw ba ang representative ng sponsor ng inumin namin? Infairness ah, masarap! Totoo bang nakakasexy ‘yon kuya?” Tanong sa akin ni Mayang. Hindi ko pa siya kilala noon. Agent kasi ako ng isang slimming juice at inisponsoran naming ang palabas nila. “Ako nga pala si May Anne also known as Mayang!” biglang abot sa akin ng kamay ng babaeng Mayang nga daw ang pangalan. Ni hindi ko nga nasabing hindi ako ang representative ng slimming juice, na tagatinda lang ako nito. Pero nagpasalamat narin ako dahil nakilala ko ang mga artistang nagsiganap sa tulong na rin ni Mayang at sa pakilala niyang representatative ako ng kumpanya. Todo pasalamat sila maliban lamang kay Joanna, ang gumanap na Laura.

Noon pa man suplada na si Joh, ugaling artista talaga. Kaya nga halos isang taon ko din siyang niligawan. Naging bahagi nga din ako ng teatro dahil sa kanya. Nag-audition ako noon para makasama siya, kahit wala akong alam sa arts. Basta ang alam ko lang noon, gusto kong makasama si Joh. Habang tumatagal lalo ko siyang nagugustuhan, magaling siya, tinitingala ng lahat at talaga namang pursigidong tao si Joh sa larangan niya.

Nung umpisa hindi ako pinapansin ni Joh kahit anong pagpapapansin ko. Sinubukan ko siyang bigyan ng kung anu-ano pero tinatanggap niya ito bilang isang artistang tumatanggap ng regalo mula sa tagahanga. Kaya nagsikap akong magkaroon ng magandang roles sa mga ginawa naming play hanggang sa nasungkit ko ang role ni Rizal sa Ang Huling Tagpo maliit na dulaan. Doon ko lang nakitang nagkainteres sa akin si Joh, tila nakita niyang may kakayahan din pala ako. At doon ko palang siya nagawang ligawan. Halos isang taon din bago niya ako sinagot talaga, pagkatapos niya akong sinagot ipinagpatuloy namin ang mga plano namin. First year anniversary namin ng lumipat kami sa bahay na ‘to. Ipon ko at ipon niya tapos ‘yong kulang inutang namin kay Tito Mac mayamang Tito ni John na hanggang ngayon binabayaran ko parin.

“Oh mukhang maganda naman relasyon niyo ah? Bakit mag-isa ka lang ngayon? Iniwan ka ba niya o namatay siya?” Ewan ko ba pero nangiti ako sa sinabi ni Rica. Hindi ko alam kung talagang ganun siya kadiretso magsalita o sinusubukan niya lang akong patawanin.

Iniwan niya ako, tsaka ako namatay.

Isang araw bigla akong inoperan ng isang kilalang film maker na magbida sa gagawin niyang indie film na isasali sa isang international short film contest. Syempre pumayag agad ako tutal maganda din naman ang script.

“Anong role mo? Callboy?” Sabat nanaman ni Rica.

“Haha paano mo nalaman?” Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Rica pero bago pa siya tuluyang mahimatay sa pagkabigla. “Biro lang! ‘di naman lahat ng indie film tungkol sa mga Callboy. Pwedi din namang mga callgirl! Haha. Isa akong manunulat doon, at na inlove ako sa isang, pokpok. Nagalit sa akin si John ng sabihin kong gagawa ako ng indie film hindi ko daw siya kinunsulta tungkol doon pero pinatawad niya din ako ng mapakiusapan kong bigyan din siya ng bahagi sa palabas. ‘di niya nakuha ang lead role na callgirl pero kaibigan siya nung bida. Maganda din ang exposure niya. Alam mo Rica ang saya ko, kasi naramdaman ko ang pakiramdam ni Joh. ‘yong ako ang pinapanuod niya. Nung ngang premiere night bilib na bilib ang mga nanuod sa acting skills ko eh, ramdam ko ding proud si Joh sa tabi ko sa tuwing kinakamayan ako at kino-congratulate. Pero pagkatapos maipalabas nag-iba ang kilos ni Joh, akala ko pagod lang siya sa dami ng mga tao. Tinanong ko naman kung ayos lang siya tumango naman at dumeretso na sa kotse at doon na lang daw niya ako hihintayin dahil mukhang marami pa daw ang gustong magpakuha sa akin ng picture. Naiwan naman ako sa mga guess kung saan nagpapapicture ang karamihan sa mga nanood. Ganun pala ang pakiramdam, kaya siguro hindi maiwan ni Joh ang pag-arte at ang pagiging bida. Nang mga oras na iyon pakiramdam ko ganap ko ng naiintindihan si Joh, hindi pa pala.

Hindi parin ako kinikibuan ni Joh hanggang sa makauwi kami sa apartment namin, ito ‘yon Rica. Dito mismo sa bahay na ito sinabi ni Joh na ayaw na niyang ipagpatuloy pa ang relasyon namin.

“Hon, I want to end this.” Walang ekspresyon na sinabi sa akin ni Joh habang nagpapalit siya ng damit.

Ngumiti lang ako at nilapitan siya. “Pagod ka lang hon. Mabuti pa maligo ka na at matulog na tayo ah?”

“I can’t. I don’t want this anymore.” Mararamdaman mong sigurado siya sa gusto niya, Ganyan naman siya e. She always know what she wants. At sa mga oras na iyon, hindi ko siya maintindihan. Ayoko siyang intindihin dahil hindi ko kayang gawin ang gusto niya.

Nag-impake siya habang parang istatwa akong pinanonood lang ang bawat kilos niya. Napaka graceful parin niya, hindi mo makikitang nagdadalawang isip siya, walang bakas ng kalungkutan sa mukha niya. Mukhang siguradong sigurado siya. Para lang siyang sumasayaw sa loob ng aming kwarto, isinisilid ang mga damit niya sa isang maleta.

“May iba ba?” Umiling lang siya.

“May problema ba tayo?”

“Joh may nagawa ba akong mali?!”

“Hindi mo na ba ako mahal?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya at nagmakaawa. Sinabi ko na ‘wag siyang umalis. Na mahal na mahal ko siya. Pero hindi niya ako sinagot, sinabi pa niyang bitawan ko daw siya dahil nagugusot ang damit niya.

Nanahimik ang paligid. Tsaka ako nagsalita.

“Joh, hindi mo ako damit.. Na pwedi mong hubarin anytime.. Hindi mo ako damit na pwedi mong ipamigay, iwanan o itago sa closet mo hanggang sa mapag tripan mo nanamang gamitin. Tao ako Joh, tao ako! At alam ko tao ka din, kaya sana magpakatao ka at ituring mo akong tao. Sabihin mo naman sa akin kung bakit mo ako iiwan, bakit bigla kang nakikipag hiwalay.” Halos lumuhod ako sa harapan niya, pero wala akong sagot na narinig. Tanging ang ingay lang ng zipper ng kanyang maleta ang nagsilbi niyang sagot. Hinawakan niya ang baba kong namamasa na sa aking mga luha, tiningala niya ito at hinalikan niya ako sa noo. Iyon na ang huli naming pagkikita.

Pagkatapos ng insidenteng iyon Rica, namatay na ako. Dalawang linggo rin akong nagkulong sa kwarto, walang kinakausap walang ginagawa kundi hintaying kumatok sa pinto si Joh. Pero tanging sina Mayang lang lagi ang bumibisita, kung hindi siguro ako pinagdadala ng pagkain noon nina Mayang baka hindi ko na naikwekwento ito sayo ngayon. Isang araw sinubukan kong lumabas, nagbabakasakaling makikita ko siya.

Umupo ako sa mga bakanteng upuan ng isang mall noon. Mag-isa, malungkot, mabaho. Pinapanuod ko ang bawat galaw ng taong nasa paligid ko. May mga naki tabi naman sa akin, walang alam sa pinagdaraanan ko ni hindi nila alam na ilang araw narin pala akong hindi naliligo. Pero lahat sila, iniwanan din ako, nagpahinga lang siguro dahil napagod kakalakad. Napagod sa paghahanap ng gusto nila, sa paghahanap ng hindi nila alam, sa, wala. Tinanong ko ang sarili ko ng mga oras na iyon kung bakit ako pumunta roon. Hindi ko agad nasagot ang sarili ko, nang maalala kong kagaya ng marami, hinahanap ko din ang wala, hinanap ko si Joh.

“Sir magsasara na po ang mall.” Sabi nung janitor na kanina pa nagmamap sa harap ko. Alam ko naman ang ibig sabihin ng kilos niya, sinasabihan niya akong tumayo na sa kinauupuan ko at umalis na. Pero saan ako pupunta? Kanina lang napakadami kong kasama, halos magsiksikan kami dito sa harapan ng Kenny Roger’s sa mga pampublikong upuang libre para sa lahat pero hindi nga pala libre ang oras ng mga tao dahil lahat may buhay, lahat may dapat gawin.

“Sir?” Tinitigan ko ang janitor, at nakita ko ang pagmamadali sa kanyang mukha. Buti pa siya may oras pang hinahabol. Saan ako pupunta ngayon?  Ngayong wala na akong buhay na uuwian, wala ng oras na dapat habulin. Lumabas ako ng mall at sumakay sa jeep. Umupo kahit gusto kong humiga. Tinititigan ko ang mga nakasakay, lahat abala. Kung’di kinakalikot ang mga cell phone nila, nagkwekwentuhan habang tumatawa. Iyong iba naman ayos na sa pakikinig ng kanta sa mga headset na nasa kanikanilang mga tainga. Habang ako nagtataka kung bakit ako sumakay sa jeep na hindi ko alam kung saan papunta.

“Kuya, okay lang kayo?” Biglang tanong ng babaeng kaharap ko na dahilan kung bakit tinitigan ako ng lahat ng pasahero.

“Huh. Bakit?” Gulong-gulo kong tanong.

“Eh kanina pa po kayo umiiyak eh.” Doon ko lang napansing umiiyak nga ako. Mabilis akong nagpara, at sa aking pagbaba, naalala kong hindi pa pala ako nagbayad, at may kotse nga pala akong pumunta sa mall. Haha para lang akong tanga non.

“Hanggang ngayon naman mukha ka paring tanga sa pinanggagagawa mo eh. Lloydie isa lang naman ang solusyon dyan eh. At subok ko na iyon.” Sabi ni Rica.

“Ano? Move on?? ‘yan naman lagi niyong sinasabi sa akin eh. Pero Rics, ilang beses ko ng sinubukan, pero wala failed!”

“Hindi move on, acceptance! Bago ka makakapag move-on, kailangan tanggap mo muna, at hindi lang basta tanggap mo. Dapat maluwag sa puso mo ang pagtanggap dito-

habang sinasabi niya ang mga iyon, para siyang nag chi-chiken dance na kinakabog ang kanyang mga dibdib. Tsaka siya tumawa at tinitigan ako ng matagal..

-Tanga mo!” Bigla niyang sambit.

Mukhang lasing na si Rica.

“Ano tatanggapin ko? Eh alam ko magkikita pa kami ulit, kaya umuwi ka na baka malay mo ngayong gabi pala siya babalik.” Sagot ko sa kanya. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya kasi alam kong may punto siya.

“Gagu! Ou uuwi na ako, ‘yon lang pala ang iniiyak mo. Mukhang tanga.” Tumayo si Rica at nagpunas ng luha, mukhang naiyak sa pang MMK kong lovestory.

“Sus. Ang sabihin mo tinablan ka sa kwento ko. Naiyak ka nga diba?” Pang-aasar ko sa kanya habang tumatayo din sa pagkaka-upo.

“Naiyak ako kasi bitin ‘tong wine mo!” ‘di ko namalayang inubos ni Rica ang wine ng mag-isa. Pagpasok sa sala mangilingilo siyang bumagsak sa sofa. Natawa na lang ako at binuhat ko na lang papuntang kwarto habang ako nakatulog na lang sa may sahig katabi ng kamang pinaghigaan ko kay Rica.

Mula ng gabing iyon, naging mas malapit kami ni Rica. Kahit hindi kami magkasama sa mga eksena o nagkakausap alam ko may kung anong nagdudugtong sa aming dalawa.

Mataas na ang sinag ng araw ng gumising ako, nakalimutan kong i-set ang alarm ng cellphone ko kaya patay ako nito sa mga delivery ko, at double dead ako kay direk. Dalawang araw na akong hindi nakakapag rehears.

Mabilis akong bumangon at naghanap ng maisusuot tsaka diretsong pumasok sa banyo.

“Putaragis!!” Sigaw ni Rica na naka upo sa toilet bowl ko.

Napa mura din ako sa pagkabigla, nakalimutan kong kasama ko nga pala si Rica kagabi.

“Bakit ‘di ka nagsasara ng pinto!” Tanong ko sa kanya at paliwanag narin kung bakit nagawa ko ‘yon. Pagkatapos kong itanong ‘yon doon ko lang din naalalang sira pala ang doorknob ng pinto ng banyo ko. At ‘yon nga ang dahilan ni Rica kung bakit hindi siya nakapag sara ng pinto. Narinig kong nagflush ang toilet tsaka lumabas si Rica. Tawa ng tawa dahil first time daw niyang gamitin ang salitang putaragis, na paulit ulit niyang sinasabi habang tumatawa. Halos maiyak na siya sa katatawa tsaka nga tuluyang humagulgol. Dinaig pa ang pagka baliw ng kaibigan kong si Mayang. Syet! Hindi ko nasagot mga tawag ni Mayang! Usually kasi, tatawag ‘yon pagkagising upang kamustahin ako, siguradong flood nanaman ang cellphone ko nito.

“Natatae ka?” Biglang tanong ng umiiyak na si Rica.

Huh? Halos magdikit ang dalawa kong kilay sa napaka wirdong tanong sa akin ni Rica.

“Eh tignan mo kaya ang itsura mo, para kang hindi mataeng kabayo. Ni hindi mo man lang itanong bakit ako umiiyak.” Ika niya.

“Ah may naalala lang ako. Hindi ko pa kasi natetext si Mayang. Panigurado galit na un.”

“Galit nga.” Sagot naman ni Rica.

Ewan pero ang gulo ng mga sagot ni Rica kaya tinanong ko na lang kung bakit siya umiyak. Tsaka siya nagtatawa at naiyak nanaman. Sabay turo sa boxer kong butas sa mismong pundya.

“Putaragis, galit nga!” Sabi ko sa kanya tsaka kami nagtawanan.

Hapon na ng maihatid ko si Rica, ayaw niyang magpahatid sa bahay nila kaya nagpa drop na lang siya sa may kanto malapit sa rehearsal hall kung saan paniguradong nangangati na ang dila ni Mayang para manermon at magtanong kung bakit hindi nanaman ako nakapunta ng practice. Para akong batang nagnenok ng candy sa kaba. Pero pagpasok ko ng rehearsal hall tahimik ang lahat. Pati si Mayang.

Grabe pakiramdam ko talaga nagnakaw ako ng kung ano sa mga titig sa akin ng mga kasama ko. Tinignan ko si Mayang. Naluluha niya akong nilapitan at niyakap. Parang slow motion ang galaw ng lahat at ng nayakap na ako ni Mayang nagsimulang bumilis ang oras. Nilapitan din ako nina Rod pati na ang iba kong mga kasamahan na para bang namatayan at paulit-ulit na sinasabing “Okay lang ‘yan” Hindi ko maintindihan hanggang sa pinatawag ako sa opisina.

Doon ko lang nalaman na pansamantala akong inaalis sa kasalukuyang theater play namin. Ayusin ko daw muna ang schedule ko at mga bagay na humahadlang sa pag-arte ko, recently daw kasi medyo apektado ang lahat ng scenes pati na ang casts sa pagka out of focus ko. Aminado ako, tama sila. Pero paano ko aayusin ang bagay na hindi ko alam kung kelan darating? Isang bagay na hindi ko alam kung ano ang sira o kung talaga bang pwedi pang ayusin.

Isang linggo ang nakalipas pagkatapos ng pansamantala kong pagkasisante, pinapunta ako ni Mayang sa studio at nag-order narin ng paninda ko.

Alam ko namang naawa lang sa akin si Mayang kaya umorder ngayon ng sandamakmak na slimming juice. Alam kasi niyang ito lang ngayon ang pinagkukunan ko ng income ngayong pansamantalang pinagpapahinga ako ng director. Pagpasok ko sa rehearsal hall gulat silang lahat sa prisensya ko, parang nakakita ng multo o di kaya’y parang nakakita ng suspect sa isang krimeng hindi ko nanaman alam.

“Llloydie ikaw lang naman ang madalas makasama ni Rica recently diba? Sabihin muna bakit siya nag quit? Ano daw reason? May sakit ba? Basta na lang kasi nag sabi ng “I qut!” tsaka na umalis this morning.” Walang hingahang sambit ni Mayang parang polis na nagmamadaling mapaamin ang pinagsususpetsyahang salarin.

Itinanggi ko ito pagkat wala naman talaga akong alam sa biglaang pag-quit ni Rica, pero alam kong gagawin niya ito. Kahit hindi niya man sabihin sa akin, alam ko lang.

“Ou nga pala eto ‘yong bayad sa mga juice mo, dalhan mo pa ako next week ah? Pasensya ka na alam kasi naming pareho kayo ng liko ng utak kaya akala namin alam mo ang dahilan niya. Ayaw mo munang mag stay?”

“Naiintindihan ko, tsaka malaki naman talaga ang role ni Rica sa teatro kaya hindi pwede basta basta bitawan.” Ngumiti ako, alam kong ramdam ni Mayang ang dissapoinment sa sinabi ko. “Mukhang hindi na rin ako magtatagal, palagay ko kasi malakas ang nagbabadyang ulan. Ayaw ko maputikan ang kotse.” Niyakap ako ni Mayang at nagpaalam na rin ako kina Rod.

“Sige pare, ingat ingat na lang!” Sai ng barkada.

Paglabas ko ng rehearsal hall nakita kong madilim at mabigat ang dalang ulan ng mga ulap. Tsaka ko naalala si Rica.

Tama ang hula ko, nasa park nga si Rica, nagswi-swing mag-isa.

“Mukhang malakas ang ibubuhos ng ulan ah?” Sabi ko sa kanya habang nakatingala sa langit. Umupo ako sa katabing swing, doon ko lang napansing umiiyak pala siya pero pinunasan niya agad ito.

“Lloydie! O bakit nandito ka? Paano mo nalamang..” Suminghot siya tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. “Kung sabagay pareho nga pala ang klase ng nabili nating pag-iisip. So alam muna?” Sinubukan niyang ngumiti pero alam kong hindi siya masaya. Tumango ako bilang sagot sa kanyang tanong at nag-swing ng bahagya.

“Tango? Tatango ka lang? Hindi mo ako pipigilan o pangangaralan?” may gulat niyang sambit.

Iniling ko ang ulo ko sabay sabing. “Ikaw yan e, tsaka lahat naman tayo may kanya kanyang katangahan. Ano plano mo niyan?” Nag-isip siya tsaka sumagot habang nagpapaswing-swing.

“Hahanap ako ng totoong trabaho, iyong may totoong sahod at benepisyo. ‘yong hindi puro sakrepisyo at pagbabalat kayo.”

“Hahanapin mo ‘yong totoo? Naku Rics, mahirap ‘yan.” Napatingin sa akin si Rica, hinihintay ang mga susunod kong sasabihin. “Kase Rics, base sa experience ko, tayo lang naman ang gumagawa sa katotohanan, tayo lang din ang nagbibigay kahulugan sa sakripisyo, kasi kapag mahal mo ang ginagawa at ginagawan mo, kahit walang benepisyo hindi mo iisiping  nagsasakrepisyo ka, kasi totoo.

“Totoo ang alin?” agad niyang tanong.

“Ang pagmamahal, ang magmahal. Mahirap nga lang makita.”

Tinitigan ako ni Rica, matagal. Parang may gustong sabihin pero hindi niya masabi. Tsaka siya nagsalita. “Ang tanga nila no Lloydie. I mean, ang tanga ng mga tao o bagay na minamahal ng mga taong ginagawang totoo ang pagmamahal sa kanila.

“Hindi sila tanga Rics, kagaya ng sinabi ko ginawa kasi nating totoo kaya ayon, nabubulag tayo. Akala natin kapag minahal natin sila ng totoo mahal nadin nila tayo. At tinatawag natin silang tanga kapag hindi nila tayo nasusuklian. Hindi natin alam na ginagawan lang pala natin ng pabor ang mga sarili natin sa pagmamahal sa kanila kasi sumasaya tayo. Hindi natin naisip na hindi naman nila hininging mahalin natin sila diba?” Nag-iba ang itsura ni Rica halatang naguluhan.

“Parang kapag niyayakap mo ang unan mo at iniisip mong ito ang taong minamahal mo. Kinikilig ka diba? Kasi iniisip mo niyayakap kadin nito. Pero hindi ‘yon ang totoo, pero ‘yon ang ginawa at pinaniwalaan mong katotohanan kaya masaya ka.”

“You mean to say na ginawa kong katotohanang mahal ko ang teatro at ngayon nakikita ko na ang tunay na katotohanang niloko ko lang ang sarili ko?” Buong pagtataka niyang tinanong sa akin.

“Pweding ou, o pwede ding baligtad. Na pinaniniwala mo ngayon ang sarili mo na hindi ka na masaya sa teatro dahil maliit ang sahod o kung ano man ang rason mo, pero ang tunay na katotohanan kahit maliit pa ang bayad, kahit walang benepisyo, kahit puro sakrepisyo, alam mo masaya ka.”

“Odi pagbabalat kayo nga.” Tutol parin nito.

“Hindi, hindi pagbabalat kayo ‘yon Rica. Pagmamahal. Tipong hindi mo iniinda ang nararamdaman ng katawan, ang sinasabi ng isip kasi natutuwa ang puso mo. Kagaya ko, kung pwedi lang burahin ang pagmamahal ko kay Joh, matagal ko ng ginawa. Pero hindi e, kahit alam kong iniwan niya ako hindi ko mabura ang katotohanang mahal ko siya. At ang pinaniwalaan kong katotohanang mahal niya rin ako. Kaya’t kahit buong mundo na ang nagsasabing tanga ako sa paghihintay ko sa kanya, wala akong pakialam kasi naniniwala akong babalik siya at sasabihin niya sa akin ang dahilan kung bakit niya ako nagawang iwanan. At patatawarin ko siya.”

“Bakit? Hindi ka ba nagsasawang masaktan?” Malungkot na tanong sa akin ni Rica.

“Wala akong karapatang masaktan Rics, kasi nagmamahal ako.”

Pagkatapos kong sabihin ‘yon biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Tila tinututulan din ang sinabi ko. Nagmamadali akong tumayo at niyayang sumilong si Rica pero parang bata siyang nagtampisaw sa ulan, hinawakan niya ang aking kamay.

“Samahan mo ako!” Sigaw niya.

“Naku magkakasakit tayo nito” Niyaya ko parin siyang sumilong.

“Magkakasakit? Diba sinabi mo noon sa akin namatay ka na? So dapat hindi ka na takot magkasakit! Tsaka Lloydie, masarap maligo sa ulan.” Para siyang batang nagsasayaw sa ilalim ng bumubuhos na tubig.

“Bakit?” Nagtataka kong tanong.

“Kasi sa ulan, pwedi kang masaktan, dahil pwedi kang umiyak!” Tumawa siya na parang wala ng bukas pero ramdam ko parin ang kalungkutan sa kanyang mga halakhak.

Nang mga oras na iyon, wala na akong magawa kundi samahan si Rica. Tama siya, sa ulan pwedi mong sabayan ang pagluha ng langit. Nilapitan ko si Rica at pinunasan ko ang mga nagtatago nitong mga luha at sinabi kong “tahan na”  ngumiti siya sa akin, mga ngiting walang katumbas. Tsaka niya ako hinalikan.

 

 

__________

Sabi ni Kaloy: Abangan ang Chapter 2, si MAYANG naman ang magkukwento. 🙂

0

Lab Istori (Nakarelate ka naman)

Hi! Ako po si Kaloy http://kaloytoots.wordpress.com/2012/08/29/kaloy/  Isang medyotsinitongpaslit mamayan ng Pilipinas na nag aambisyon maging manunulat.

Eto ang pinaka unang subok kong gumawa ng isang love story na pinamagatan kong “Lab Istori, Nakarelate ka naman” dahil tiyak na makakarelate ang bawat mambabasa nito. (Syempre yabang ko lang ‘yon!) Wala ako maisip na akmang title kaya ‘yan na lang muna ang pagtyagaan natin.

Kung sabagay may kasabihan tayong “Don’t judge the book by its title.” oh ‘wag ka na kumontra! Hindi ako si Melanie kaya don’t judge me. Enjoy reading everyall!

-Kaloy 2012

Walang bahagi ng blog na ito ang maaring sipiin o gamitin nang walang pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala. Lahat ng tauhan, sitwasyon at lugar sa nobelang ito ay pawang kathang isip lang ng may-akda, o kaya ay ginamit sa paraang piksyonal.